DOUBLE MEANING
sa palengke'y may pinaskil man din
para sa mamimiling parating
double meaning pag iyong basahin
depende paano mo bigkasin
pag mabilis ang bigkas, diyahe
magpatuli muna, tila sabi
tuli lang ang pupuntang palengke
nakakatuwa naman ang siste
kung mabagal ang bigkas, ecobag
ang iyong gamitin, di plastic bag
sa madaling sabi o pahayag
bawal ang plastik, huwag lalabag
natuwa ako't nilitratuhan
ang paskil sa aking napuntahan
nagmistula mang katatawanan
ay tulong na sa kapaligiran
- gregoriovbituinjr.
01.24.2022
* litratong kuha ng makatang gala sa loob ng palengke sa Pasig, kung saan nakasulat sa isang paskil: "Bawal supot dito"
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento