PAYO SA SARILI
humahakbang papalayo
saan kaya patutungo
dukha man at walang luho
ay huwag kang masiphayo
puno'y inaalagaan
ng mabuting kalikasan
arugain natin naman
ang ating kapaligiran
saan man tayo magpunta
ay isiping mahalaga
magpakatao tuwina
alalahanin ang kapwa
walang pag-aatubili
na huwag maisantabi
ang mga gawang mabuti
sa kapwa, di pangsarili
- gregoriovbituinjr.
01.17.2022
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento