dalawang litrato, isang rebulto
ng tatlong babae ang nakunan ko
natsambahan lang makodakan ito
tatlong imahe sa EDSA'y kanino?
dahil sa People Power ay nalagay
yaong rebulto ng Mahal na Inay
ng isang relihiyon, inialay
tanda raw ng sampalatayang tunay
isang litrato'y Pinay na artista
isa namang litrato'y Koreana
nagpapatalastas sila sa EDSA
ng mga produktong modelo sila
salbaheng daliri'y napitikan lang
ang kamera sa selpong aking tangan
kayganda ng lumabas na larawan
tila propesyunal na cameraman
- gregoriovbituinjr.
02.26.2022
* litratong kuha ng makatang gala habang lulan ng isang sasakyan
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento