LUHA NG PUSA
bakit kaya may luha
ang aming si alaga
sadyang nakagigitla
lumuluha ang pusa
marahil napaaway
dignidad ay naluray
nang magapi ngang tunay
ng malakas, matibay
baka nabasted siya
ng pusang dumalaga
baka namatayan ba
ng anak niyang sinta
nakikiramay ako
sa pusang alaga ko
anumang sanhi nito
nakikiramay ako
kung magkakausap lang
si alaga't ako man
baka aking malaman
kanyang nararamdaman
- gregoriovbituinjr.
01.26.2025
* mapapanood ang bidyo sa kawing na: https://fb.watch/xlUXc6rYy4/
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento