SINO O ALIN ANG NASUNOG?
basahin, swimmer ba ang nasunog?
ayon sa pamagat ng balita
o sampung medalya ang nasunog?
kung ulat ay aalaming sadya
basahin: "ng swimmer na nasunog"
at hindi sampung Olympic medal
di na typo kundi grammar error
malinaw pag binasa ang ulat
na papalitan daw ng I.O.C.
ang sampung nasunog na medalya
batid ko na, Oh, I See! (OIC)
kaya titulo'y ayusin sana
dapat ulat ay pinamagatan
ng "nasunog na sampung Olympic
medal ng swimmer ay papalitan
ng IOC" yaong natititik
sana inaayos ang titulo
bago pa ilathala ang ulat
upang di rin naman makalito
sa masang nagbabasa ring sukat
- gregoriovbituinjr.
01.20.2025
* mula sa ulat sa pahayagang Bulgar, Enero 15, 2025, p.12
* IOC - International Olympic Committee
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento