PAUMANHIN AT DI MAKAKADALO
nais ko sanang saksihan ang proclamation rally
ng pambato sa Senado, na sina Ka Leody
de Guzman at Ka Luke Espiritu mamayang gabi
subalit may sakit si misis, di ako puwede
madaling araw nagtungo na sa unang ospital
walang kama, na-dextrose sa upuan, di nagtagal
ay lumipat na kami sa ikalawang ospital
may higaan, habang naka-dextrose ang aking mahal
isusulat ko sana sa pahayagang Taliba
ng Maralita ang proklamasyon ng manggagawa
at ating isigaw: Manggagawa Naman! sa madla
nais ko man ay di ako makasaglit mamaya
ako lang kasama ni misis sa bahay at buhay
inuna ko siya upang loob ko'y mapalagay
gayunman, proklamasyon sana'y maging matagumpay
at sa mga dadalo, mabuhay kayo! mabuhay!
- gregoriovbituinjr.
02.16.2025
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento